^

Bansa

‘No-el’ ayaw ni Digong - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�No-el� ayaw ni Digong - Palasyo

MANILA, Philippines — Walang makukuhang suporta kay Pangulong Duterte ang “no election” (no-el) scenario sa 2019.

“Hindi po siya (Duterte) payag sa no-el para sa charter change,” pagbibi­gay diin ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ginawa ng Malacañang ang garantiya sa harap na rin ng patuloy na paggigiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag magkaroon ng eleksyon sa susunod na taon.

Sinabi ni Roque, na napag-usapan na nila ni Pangulong Duterte ang isyu at tiniyak nitong wala siyang anumang kinalaman o basbas sa pinapalutang na “no-el” ni Alvarez.

“President Duterte not in favor of post­poning the 2019 elections just to push for charter change. President Duterte will not have any hand on no-el,” pahayag nito.

Ayon kay Roque, naniniwala ang Pangulo sa pagkakaroon ng halalan bilang bahagi ng demokrasya kaya hindi siya makapapayag na hindi matuloy ang nakatakdang eleksyon sa 2019.

Dagdag pa ni Roque na ang gusto nga ni Pa­ngulong Duterte ay maisabay na ang referendum para sa pederalismo sa 2019 elections.

Unang sinabi ni Alvarez na praktikal na suspendihin ang 2019 elections upang matutukan ng mga mambabatas ang panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa pagpapalit ng porma ng gobyerno mula presidential tungo sa federalism.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with