^

Bansa

‘Inday’, ‘di tatakbo sa Senado - Rody

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Inday�, �di tatakbo sa Senado - Rody
“Huwag kayong maniwala, hindi tatakbo si Mayor Inday sa Senado,” sabi ng Pangulo sa mga local chief executives ng Mindanao kamakailan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Duterte na walang plano na tumakbong senador sa darating na 2019 elections si Davao City Mayor Sara Duterte.

“Huwag kayong maniwala, hindi tatakbo si Mayor Inday sa Senado,” sabi ng Pangulo sa mga local chief executives ng Mindanao kamakailan.

Magugunita na pumasok sa magic 12 si Mayor Sara sa isinagawang senatorial survey kamakailan gayundin si former PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sa halip, inendorso ni Mayor Inday si Special Assistant to the President Bong Go na magiging kandidato ng Hugpong Pagbabago sa Senado.

Dahil sa endorsement ni Mayor Inday Sara kay Sec. Go, naghiyawan ang mga miyembro ng Hugpong ng Pagbabago - Compostela Valley chapter na dumalo sa pagtitipon. Maging sila ay approve sa pagiging Senador ng top presidential aide. 

Aminado si Mayor Inday na maaga pa para mag-decide si Go, pero kung sakaling ituloy nito ang plano na maging senador sa 2019 ay buong suporta ang ibibigay ng Hugpong ng Pagbabago sa kanya. 

Ikinatuwa naman ni Go ang pahayag ng alkalde ng Davao City pero itinanggi nitong may plano siyang tumakbo sa dara­ting na eleksyon. 

Mas prayoridad pa rin ng opisyal na unahin ang trabaho at pagtulong sa mga nangangailangan kaysa pag-usapan ang pulitika.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with