^

Bansa

Maiipit na Pinoy sa Nicaragua puwedeng i-repatriate – DFA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Maiipit na Pinoy sa Nicaragua puwedeng i-repatriate � DFA
Sabi ng DFA, sa 86 Pinoy na nasa Nicaragua ay wala pa namang report na may Pinoy na apektado rito at titiyakin naman aniya nila ang kaligtasan ng mga ito.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungang umuwi sa bansa ang mga Pinoy na maiipit sa nagaganap na krisis  sa Nicaragua.

Sabi ng DFA, sa 86 Pinoy na nasa Nicaragua ay wala pa namang report na may Pinoy na apektado rito at titiyakin naman aniya nila ang kaligtasan ng mga ito. 

“We would like to assure our kababayan in Nicaragua that we are ready to fly them home anytime. In the meantime, we urge them to remain vigilant and to be ready for any eventuality,” ani DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Cayetano, 3 Pinoy na aniya ang nagboluntaryo sa kanilang repatriation.

Patuloy ang monitoring ng DFA sa sitwasyon sa Nicaragua kung saan nagtalaga sila ng team sa naturang bansa upang tiyakin na walang Pinoy na madadamay.

Isang civil protest ang nagaganap sa Nicaragua dahil sa pagpapalit ng kanilang gobyerno.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with