P55-B gagastusin sa Federalism
MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Sen. Kiko Pangilinan na gagastos ang gobyerno ng P55 bilyon kung tuluyang mababago ang porma ng gobyerno at matutuloy ang Federalism.
Ayon kay Pangilinan, lumabas sa kanilang huling pagdinig na P55 bilyon ang kakailanganin para lamang sa sahod ng bagong elected officials sa federal state.
Hindi pa umano kasama sa nasabing halaga ang pondo para sa infrastructure.
Sinabi pa ni Pangilinan na lumalabas na sa federalism mas malaki ang ipapataw na buwis at mas maraming utang ang gagawin ng gobyerno.
“With P55 billion comprising half the tax take from TRAIN 1, what is clear so far is that federalism means more taxes or more borrowings or both,” sabi ni Pangilinan.
Ang mga “concerns” aniya na lumabas sa pagdinig ay nagpapakita na hindi talaga dapat madaliin ang Charter change upang maiwasan ang “economic disaster.”
- Latest