^

Bansa

Nat’l Healthcare Bill magiging batas ngayong 2018

Pilipino Star Ngayon
Nat�l Healthcare Bill magiging batas ngayong 2018
“Ngayong na-certify na ito as urgent, hindi po ako magtataka kung maging batas na ito ngayong taon,” wika ni Tolentino sa kanyang pakikipagpulong sa mga senior citizen sa Premier Medical Center sa Cabanatuan City.

MANILA, Philippines — Umaasa si Presidential Adviser for Political Affairs Secretary Francis Tolentino na magiging batas ang National Healthcare Bill bago matapos ang taon kasunod ng pagsertipika rito bilang urgent ni Pa­ngulong Duterte.

“Ngayong na-certify na ito as urgent, hindi po ako magtataka kung maging batas na ito ngayong taon,” wika ni Tolentino sa kanyang pakikipagpulong sa mga senior citizen sa Premier Medical Center sa Cabanatuan City.

Ayon kay Tolentino, inaasahan niyang maipatutupad ito sa 2019.

Hinikayat din ni Tolentino ang publiko at mga lokal na opisyal na magbigay ng kanilang suhestiyon kung paano mapapaganda ang panukala at maging akma ito sa kasalukuyang pangangailangan ng mga Pilipino.

Kapag naisabatas ang National Healthcare Bill, sinabi ni Tolentino na ma­laking tulong ito sa senior citizens sa buong bansa.

Sa nasabing pulong, naglabas ng hinaing ang senior citizens kay Tolentino, na dating Metropolitan Manila Development Authority chairman at mayor ng Tagaytay City.

Binanggit ni Fiscal Danilo Yang, chairman ng Juan Novo Ecijanos Tapang at Malasakit, Inc. at Kilusang Pagbabago Nueva Ecija, ang hirap na dinadaanan ng senior citizens para makakuha ng serbisyo sa pampublikong ospital at kawalan nila ng sapat na kaalaman sa kanilang pribilehiyo at karapatan.

Idinagdag pa ni Yang na maraming doctor ang nagsasamantala sa pamamagitan ng pagsabi sa mga pasyente na bumili ng gamot sa labas ng ospital at ibigay sa kanila ang resibo.

Nangako si Tolenti­no na ipapaalam ang kanilang mga daing kay Pangulong Duterte.

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with