^

Bansa

Ratings ni Leni umangat

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Ratings ni Leni umangat
Ayon kay Robredo, malaking bagay ang resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia, kung saan nagtala siya ng 62 percent na approval rating, mas mataas ng pitong porsyento mula noong Marso.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga limitasyon at balakid, mas ganado si Vice Pres Leni Robredo na pagbutihin ang kaniyang trabaho, lalo’t nakikitaan ng mas malaking suporta ang kaniyang programa para sa mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Robredo, malaking bagay ang resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia, kung saan nagtala siya ng 62 percent na approval rating, mas mataas ng pitong porsyento mula noong Marso.

Malaki ang pag-angat ng kaniyang ratings sa National Capital Region, na tumalon ng 20 points papuntang 58%, at sa Mindanao, kung saan siya nagkamit ng 73%, mas mataas ng 17 points. 

Para sa Bise Presidente, ang pagtaas ng approval ratings niya ay pagkilala ng taumbayan sa mga ginagawa ng kaniyang opisina para sa mahihirap, sa pamamagitan ng Angat Buhay anti-poverty program.

Bagamat limitado ang budget, naabot na ng Office of the Vice President ang 176 mahihirap na komunidad sa bansa, katuwang ang mga partners nito mula sa pribadong sektor.

Sa loob ng dalawang taon ni Robredo bilang Pangalawang Pangulo, nakapagbigay na ang OVP ng mahigit P252-milyong halaga ng mga proyekto at programa, kung saan nakikinabang ang higit 155,000 pamil­yang Pilipino.

Kabilang sa mga inis­­yatibong ito ang Metro Laylayan program, kung saan nagdadala ng tulong at serbisyo ang OVP at mga partners nito sa mga nangangailangan sa Metro Manila. 

Aktibo rin ang OVP sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, kabilang na ang Marawi City, kung saan ito nagpatayo ng transition shelter units para sa mga residenteng napilitang lumikas dahil sa bakbakan. Pormal na binuksan ang Angat Buhay Village sa Barangay Sagonsongan nitong Martes, July 17, para sa unang 60 na pa­milyang pansamantalang maninirahan dito.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with