^

Bansa

Duterte hindi makakatakbo sa 2022

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte hindi makakatakbo sa 2022
Sa pagdinig kahapon sa Senado tungkol sa pag-amyenda sa Saligang Batas, isinumite ng Con-Com ang pinal na kopya ng draft federal constitution kung saan tiniyak na hindi na maaring kumandidato bilang pangulo ang “incumbent president” sa 2022.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inilagay na sa pinal na draft ng federal constitution na binuo ng Consultative Committee na hindi maaring tumakbong muli bilang presidente ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdinig kahapon sa Senado tungkol sa pag-amyenda sa Saligang Batas, isinumite ng Con-Com ang pinal na kopya ng draft federal constitution kung saan tiniyak na hindi na maaring kumandidato bilang pangulo ang “incumbent president” sa 2022.

Matatandaan na mismong si Duterte ang humiling sa Con-Com na ilagay ang probisyon na magbabawal sa posible nilang pagkandidato bilang pangulo sa susunod na presidential elections.

Nakasaad din sa draft na ang transition president at vice president ay ihaha­lal na magkasama para pamunuan ang transition.

Kung makakalusot, ang unang regular election para sa lahat ng opisyal sa ilalim ng bagong Konstitusyon ay ihahalal sa ikalawang Lunes sa May 2022.

Ang transition Vice President, Senate President, Speaker of the House at lahat ng nabubuhay pang naging Presidente ng bansa ay magiging ex-officio members ng Transition Commission at matatapos ang kanilang tungkulin sa June 30, 2022.

Sa final na draft ng federal constitution, nakapaloob pa rin ang pagkakaroon ng apat na Supreme o High Courts na kabibilangan ng Federal Supreme Court, Federal Constitutional Court, Fe­deral Administrative Court, at Federal Electoral Court.

Mula naman sa kasalukuyang anim na taong termino ng Pangulo, gagawin itong apat na taon pero mayroong isang reelection.

Nagdagdag din ng ku­wa­lipikasyon para makatakbong Pangulo ng bansa na dapat ay may College degree o katumbas na degree.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with