Pederalismo, Cha-cha ‘wag madaliin - Leni
MANILA, Philippines — Dapat na bigyan umano nang karampatang panahon ang publiko na maunawaan munang mabuti kung ano ba ang pederalismo maging ang benepisyo ng panukalang Charter Change, ayon kay Vice President Leni Robredo.
Paniwala ni Robredo, hindi dapat apurahin ng Kongreso ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.
Maaari umano kasing magkawatak-watak ang bansa kapag inapura ang proseso, paalala pa ni Robredo sa kanyang programa sa radyo na “Biserbisyong Leni”.
Lantad sa lahat na tutol ang bise presidente sa pagsusulong ng pederalismo at tinawag nitong “untimely” o hindi napapanahon ang Charter Change dahil na rin sa mga mabibigat na problema na kinakaharap sa kasalukuyan ng bansa, kabilang dito ang pagtaas ng presyo ng bilihin at kahirapan.
- Latest