^

Bansa

4 sa 5 Pinoy gustong umaksyon ang Pinas vs China militarization - SWS

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
4 sa 5 Pinoy gustong umaksyon  ang Pinas vs China militarization - SWS
Sa isinagawang survey ng SWS nitong June 27-30 sa may 1,200 res­pondents, 81 percent ng mga ito ang nagsabi na hindi dapat hayaan ng gobyerno ang China sa pagtatayo ng mga infrastructures at military presence sa inaangking mga teritoryo.

MANILA, Philippines — Apat sa limang Filipino ay nais na umaksyon ang gobyerno hinggil sa ginagawang militarization ng China sa disputed territory sa West Philippine Sea, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa isinagawang survey ng SWS nitong June 27-30 sa may 1,200 res­pondents, 81 percent ng mga ito ang nagsabi na hindi dapat hayaan ng gobyerno ang China sa pagtatayo ng mga infrastructures at military presence sa inaangking mga teritoryo.

Ang resulta ng survey ay inilabas ng SWS ilang araw matapos nagkalat ang mga banner na nagsasabing ‘Welcome to the Philippines, Province of China’ sa mga footbridges sa Metro Manila.

Naunang iginiit ng Malacañang na hindi pinababayaan ng gobyernong Duterte ang claim nito sa West Philippine Sea at katunayan ay naghain ang DFA ng diplomatic action laban dito.

Mismong si Pangulong Duterte ay ilang ulit sinabing hindi niya ipamimigay ang teritoryo ng bansa sa China.

Sa hiwalay na survey naman ng Pulse Asia ay 73 percent naman ng mga Filipino ang nagsabi na dapat ipaglaban ng gobyerno ang karapatan nito sa WPS.

Related video:

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with