Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ang hanay ng Pambansang Pulisya ay kasabay ng buong Sambayanang Pilipino sa pagbubunyi dahil sa pagkapanalo ng ating Pambansang Kamao.
AFP photo
AFP, PNP nagpaabot ng pagbati kay Pacman
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahatid ng pagbati ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa pagkapanalo ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquio laban kay Lucas Matthysse.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ang hanay ng Pambansang Pulisya ay kasabay ng buong Sambayanang Pilipino sa pagbubunyi dahil sa pagkapanalo ng ating Pambansang Kamao.

Hiling din ni Albayalde na ang pagkakapanalo ng Senador ay magsisilbing halimbawa at inspirasyon ng bawat Pilipino na ka­yang pabagsakin ang problema sa kriminalidad at iligal na droga kung tayo ay magtutulung-tulong at magkakaisa sa labang ito. 

Nagpaabot din naman ng pagbati si AFP spokesman Col. Edgard Arevalo kay Pacman at sinabing napakalaking inspirasyon niya hindi lamang sa mga sundalo kundi sa buong sambayanang Pilipino.

Dahil dito kaya nagbubunyi ang buong san­datahang lakas sa tagum­pay ni Pacquiao.

Si Pacquiao ay reserved Army colonel ng AFP.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES MANNY PACQUIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with