Ang get-away car na umano’y ginamit ng mga salarin sa pagpatay kay Trece Martires City, Vice Mayor Alex Lubigan na natagpuan sa tulay ng Mabacao-Pantihan bridge sa Maragondon, Cavite. 
Maria Cristina Go Timbang
Sinakyan ng killers ni VM Lubigan natagpuan
Cristina Go Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuan na ng mga awtoridad ang sasakyan na hinihinalang ginamit ng mga suspek sa pagpatay kay Trece Martires City, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.

Nakita ang inabandonang Toyota Hi-lux na nakasampa na tila balak na ihulog sa tulay ng Mabacao-Pantihan bridge sa Bgy. Tulay B, Maragondon, Cavite. 

Ayon sa pulisya, alas 6:55 ng umaga ng matagpuan ang naturang me­tallic black/dark green na Hi-lux na walang plaka at conduction sticker.

Tumutugma umano ito sa sasakyan ng bumaril at pumatay kay Lubigan at sa driver nito na si Romulo Guillemer. Dalawa pang bodyguard ng bise alkalde ang sugatan sa insidente.

Nakatakdang isaila­lim sa inspeksiyon ang narekober na sasakyan upang malaman kung ito nga ang get-away car ng mga suspek.

Magugunita na lulan ng kanyang Toyota Hi-lux na kulay black, may conduction sticker YV4077 ang vice mayor kasama ang kanyang 3 bodyguard at driver ng bigla itong tapatan ng isang itim na sasakyan at sunud-sunod na pinaputukan noong Hulyo 7.

ALEX LUBIGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with