Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, naharang sa checkpoint ang suspek na si Florencio Suarez, 48, itinuturong gunman ni Mayor Bote, sa Andaya National Highway sa Bgy. Cabasag, bayan ng Del Gallego.
2 gunman ni Mayor Bote timbog!
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nahuli na ang dalawang suspek sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Fernando Bote sa isang checkpoint sa Camarines Sur, kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 Director P/Chief Supt. Arnel Escobal, naharang sa checkpoint ang suspek na si Florencio Suarez, 48, itinuturong gunman ni Mayor Bote, sa Andaya National Highway sa Bgy. Cabasag, bayan ng Del Gallego.

Arestado rin ang ka­sama ni Suarez na si Ro­bert Gumacay, 35, na bagaman noong una ay todo tanggi sa krimen sa interogasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 5 ay umamin na kasama siya sa mga pumaslang sa alkalde.

Ayon kay Escobal, ban­dang alas-9:30 ng umaga ng masakote sina Suarez at Gumacay habang lulan ng kulay beige na Toyota Avanza (PGQ 134) na natukoy na nawawalang plaka na ikinabit lang sa nasabing sasakyan.

Nakumpiska mula kay Suarez ang isang cal. 45 pistol at P70,000 cash.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagtatago sa Bicol Region ang dalawang suspek kaya agad naglatag ng dragnet ope­ration na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Kasalukuyan ngayong nakapiit sa detention cell ng Del Gallego Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek.

Samantala, nasa 4 hanggang 5 pang suspek ang tinutugis ng mga awtoridad.

Magugunita na si Ma­yor Bote ay inambus at napaslang ng mga armadong lalaki noong Hulyo 3 habang kalalabas lamang sa compound ng National Irrigation Administration (NIA) sa Maharlika highway, Brgy. Imelda, Cabanatuan City noong Hulyo 3.

FERNANDO BOTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with