Ayon kay Chief Pre­sidential Legal counsel Salvador Panelo, sinabi mismo ni Pangulong Du­terte kay Jesus is Lord leader Bro. Eddie Villa­nueva sa kanilang pulong kamakalawa na humingi na siya ng apology mismo sa Diyos.
‘Sorry God’ - Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humingi na si Pangulong Duterte ng patawad sa Diyos dahil sa kanyang kontrobersyal na pahayag na “stupid God”.

Ayon kay Chief Pre­sidential Legal counsel Salvador Panelo, sinabi mismo ni Pangulong Du­terte kay Jesus is Lord leader Bro. Eddie Villa­nueva sa kanilang pulong kamakalawa na humingi na siya ng apology mismo sa Diyos.

Magugunita na hiniling ni Bro. Eddie sa Pangulo na dapat itong mag-public apology hindi sa publiko, hindi sa taumbayan, hindi sa mga relihiyon kundi sa Panginoon dahil sa pagtawag nitong “stupid God”.

Ayon naman sa Pa­ngulo, sa Diyos lamang siya magso-sorry at wala ng iba.

Naniniwala si Duterte na kung siya ay nagkasala sa Diyos, tiyak niyang masaya itong makikinig sa kanyang paghingi ng tawad dahil ang kanyang Diyos umano ay mapagpatawad at hindi inaalala ang dumaan o nakalipas na kasalanan.

Ayon pa kay Panelo, ipinaliwanag din ni Duterte kay Villanueva na nasabi niya ang kontrobersyal na remark dahil sa Australian nun na si Patricia Fox na ginagamit ang pangalan ng Diyos at relihiyon sa paglabag nito sa batas.

Wika pa ni Duterte, binabatikos siya ng nasabing madre gayundin ang gobyerno pero hindi naman nito napupuna ang mga pagkakamali ng kanyang bansa.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with