Nagbabala naman si Sen. Ralph Recto na tumataas ang interest rates at napakalaki ng P1.2 trillion.
Pag-utang ng P1.2-T kinontra
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kontra ng ilang senador sa gagawing pag-utang ng gobyerno ng P1.2 trillion sa susunod na taon.

Ayon kay Sen. Ping Lacson, dapat matuto ang gobyerno na magkaroon ng balanseng national budget.

Nangangamba si Lacson na hindi rin magagamit sa investment ang uutangin ng gobyerno.

Ipinunto niya na pala­ging malaki ang “unused appropriations” taun-taon at posible ring manakaw lamang ng mga masisiba umano sa gobyerno ang uutanging pera na babayaran ng mga mamamayan sa pamamagitan ng buwis.

Nagbabala naman si Sen. Ralph Recto na tumataas ang interest rates at napakalaki ng P1.2 trillion.

Hindi rin aniya dapat mangutang para ilagay sa mga hindi naman kumikitang investments.

PING LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with