Paghingi ng sorry kay God pinuri
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuri ng mga senador ang “sorry God” na paha­yag ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sen. Ping Lacson, nagpapasalamat siya at naliwanagan ang Pangulo at naging mapagpakumbaba.

Naniniwala si Lacson na hindi na mahalaga kung Diyos niya o Diyos ni Duterte ang hinihingan niya ng tawad dahil iisa lamang naman ang Diyos sa buong sansinukob. 

Naniniwala rin si Lacson na dapat mag “move on” at magdasal para sa patuloy na “enlightenment” ng Pangulo.

Kinakailangan aniya ng matinding tapang at character para ang isang tao ay humingi ng tawad sa kaniyang pagkakamali.

Maging si Sen. Joel Villanueva ay natutuwa sa ginawang paghingi ng sorry ng Pangulo.

Tanging ang Diyos din lamang aniya ang makakapaghusga kung sinsero ang Pangulo sa ginawang paghingi ng tawad.

Bagaman at mayroon aniyang separation sa pagitan ng Simbahan at Estado, maraming mga Filipino ang naniniwala sa Diyos at malapit pa rin sa puso ng mga mamamayan ang kanilang relihiyon kaya maituturing na “welcome development” ang naging hakbang ng Pa­ngulo.

DUTERTE PING LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with