Sa sulat na may petsang Hulyo 11, 2018 na ipinadala ni PNP Chief Oscar Albayalde sa tanggapan ni Sotto, sinabi nito na hindi mapapagbigyan ang kahilingan ni Sotto dahil na rin sa “restricted rights” na magampanan ni de Lima ang trabaho bilang senador dahil sa status nitong “detention prisoner.”
Geremy Pintolo
Request ni Sotto sinopla ng PNP
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Philippine National Police ang kahilingan ni Senate President Tito Sotto na makapag-hearing sa loob ng PNP Custodial Center si Sen. Leila de Lima.

Sa sulat na may petsang Hulyo 11, 2018 na ipinadala ni PNP Chief Oscar Albayalde sa tanggapan ni Sotto, sinabi nito na hindi mapapagbigyan ang kahilingan ni Sotto dahil na rin sa “restricted rights” na magampanan ni de Lima ang trabaho bilang senador dahil sa status nitong “detention prisoner.”

“It is with regret that the PNP cannot appropriately act on the matter considering Senator de Lima’s status as a detention prisoner with restricted right to exercise profession and hold public office,” sabi ni Albayalde sa sulat kay Sotto.

Ikinatuwiran pa ni Albayalde na anumang hangarin na magampanan ni de Lima ang trabaho bilang isang halal na senador ay dapat ipagpaalam sa korte dahil ito ang may jurisdiction sa senadora.

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na pag-aaralan niya ang kanyang mga options kung papaano ang gagawin sa mga nakabinbing panukalang batas sa komite ni de Lima.

Matatandaan na dina­law ni Sotto si de Lima sa kulungan niya sa Camp Crame kung saan napag-usapan nila ang pagpapatuloy ng trabaho ni de Lima bilang senador bagaman at kasalukuyan itong nakakulong.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with