Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, ng isumite ng mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom) na siyang nag-aamyenda sa 1987 Constitution sa Kamara ang kopya ng draft federal constitution.
Edd Gumban
No elections sa 2019 mas praktikal - Alvarez
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas praktikal kung hindi na magdaraos ng midterm election sa susunod na taon para mas madali ang transition sa panukalang federal form of government.

Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, ng isumite ng mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom) na siyang nag-aamyenda sa 1987 Constitution sa Kamara ang kopya ng draft federal constitution.

Kasabay nito, inamin naman ni Alvarez na mahihirapan silang talakayin sa mga susunod na buwan ang Charter Change o Cha-cha dahil na rin sa maraming events sa Kamara.

Kabilang na rito ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo 23, gayundin ang budget deliberations, paghahain ng Certificate of Candidacy sa Oktubre, Christmas season at ang inaasahang campaign season sa Pebrero ng susunod na taon sakaling matuloy ang May 2019 elections.

Ayon naman kay Majority leader Rodolfo Fariñas, maging ang ConCom ay inabot ng apat na buwan para matapos ang draft kaya imposibleng magawa nila ito ng apurahan.

PANTALEON ALVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with