^

Bansa

Mandatory drug test sa Grade 4, labag sa batas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mandatory drug test sa Grade 4, labag sa batas
Sinabi ni Briones, alinsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang sakop lamang ng random drug testing ay mga nasa secondary at college students.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iginiit ni Department of Education Sec. Leonor Briones na labag sa batas ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isailalim sa mandatory drug testing ang mga estudyante na nasa Grade 4 hanggang Grade 12.

Sinabi ni Briones, alinsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang sakop lamang ng random drug testing ay mga nasa secondary at college students.

Bukod dito, napaka-istrikto rin ng protocol ng Privacy Commission sa drug testing, lalo na kung sa mga bata ito isasagawa at napaka-kumplikado ng proseso, upang matiyak ang proteksiyon ng karapatan ng mga indibidwal na susuriin dito.

Anang kalihim, milyun-milyong estudyante ang pinag-uusapan dito kaya’t napakalaking trabaho nito, na magmimistula na aniyang isang bangungot.

Iminungkahi pa ni Briones sa PDEA na hintayin na muna ang resulta nang isinasagawa nilang drug testing sa lahat ng kanilang mga regional offices at random drug testing sa mga kabataan, bago gumawa ng panibagong panukala.

Naniniwala rin si Briones na sakaling imungkahi ng PDEA na isabatas ang drug testing sa mga Grade 4 pupils, ay tiyak na maraming tututol dito.

Layunin ng PDEA sa panukalang mandatory drug testing ang mapigilan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa mahigit 40,000 paaralan sa bansa.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with