Kontrobersyal na Land Cruiser isinoli ni Sereno
Ito’y matapos isapinal ng Kataas-taasang Hukuman ang desisyon nitong nagpapatalsik kay Sereno sa puwesto.
Boy Santos
Kontrobersyal na Land Cruiser isinoli ni Sereno
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinalik na ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kontrobersiyal na Land Cruiser na binili at ginamit nitong service vehicle.

Ito’y matapos isapinal ng Kataas-taasang Hukuman ang desisyon nitong nagpapatalsik kay Sereno sa puwesto.

Batay sa ulat, hinintay pa ni Sereno ang pinal na pasiya ng SC sa kinaharap na quo warranto petition noong Martes bago nito ibinalik ang ginamit na sasakyan.

Magugunitang isinama rin sa isinampang impeachment complaint laban kay Sereno ang pagbili nito ng nasabing Land Cruiser bilang kanyang service vehicle.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sino na ang gagamit ng nasabing sasakyan o kung ibibigay ito sa susunod na mapipiling chief justice.  

LAND CRUISER MARIA LOURDES SERENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with