^

Bansa

Mandatory drug test sa Grade 4 inalmahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mandatory drug test  sa Grade 4 inalmahan
Ayon kay Pimentel, walang katuturan ang gagawing drug tests sa mga bata dahil hindi naman sila maaaring kasuhan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinawag na “pointless” at pag-aaksaya ng pera ni Sen. Koko Pimentel ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng mandatory drug tests sa mga paaralan na magsisimula sa Grade 4 pataas.

Ayon kay Pimentel, walang katuturan ang gagawing drug tests sa mga bata dahil hindi naman sila maaaring kasuhan.

Kinuwestiyon ni Pimentel kung ano ang isasampang kaso sa mga Grade 4 na magpo-positibo sa drug tests.

Bukod sa malaking gastos aniya, interesado rin si Pimentel kung sino ang nakaisip ng panukala na gawin itong mandatory.

“Malakihang gastos lang yan hence I’m interested to know who came up with such a “brilliant” idea. Ginawang mandatory para talagang malakihang gastos,” sabi ni Pimentel.

Naniniwala naman si Sen. Kiko Pangilinan na magkakaroon ng korupsiyon ang panukala at magiging “money making” schemes para sa mga test centers.

Sinabi pa ni Pangilinan na magiging pabigat din sa publiko ang mandatory drug test sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

vuukle comment

KOKO PIMENTEL

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with