^

Bansa

Barangay pakikilusin na rin vs tambay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Barangay pakikilusin na rin vs tambay
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affaris Martin Diño, nais nilang ang mga opisyal ng barangay ang manguna sa pagsita at pag-aresto sa mga tambay na pasa­way sa mga kalye.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pakikilusin na rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng barangay para manghuli ng mga tambay na lumalabag sa ordinansa sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affaris Martin Diño, nais nilang ang mga opisyal ng barangay ang manguna sa pagsita at pag-aresto sa mga tambay na pasa­way sa mga kalye.

“Dapat diyan nangu­nguna ang Barangay sa pangunguna ng Brgy. Captain tulad sa Quezon City, Marikina City na merong mga city ordinance,” ani Diño.

Inihalimbawa nito na sa ordinansa ng pamahalaan ng Quezon City ay mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalsada, iskinita at mga pampublikong lugar at dapat ang mang­huli sa mga pasaway ay barangay officials tulad ng bry. chairman at mga tanod.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng kaliwa’t kanang pagbatikos ng mga kritiko laban sa mga operatiba ng PNP dahilan sa umano’y mala-martial law na pagsita sa mga tambay sa mga kanto.

Sinabi ni Diño na pa­ngunahing mandato ng bgy. officials ang magpatupad ng mga ordinansa sa kanilang mga lugar na malinaw ding nakasaad sa Local Government Code Chapter 3 A.

Bukod  dito ay dapat ding bigyan ng una at ikalawang babala ang mga mahuhuling pasaway sa mga kalye.

vuukle comment

FFARIS MARTIN DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with