Voters reg  bubuksan  sa Hulyo 2
Voters reg bubuksan sa Hulyo 2
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) sa Hulyo 2, 2018 ang pagpapatala ng mga botante o continuing registration of voters bilang paghahanda sa nalalapit na mid-term elections sa May 13, 2019.

Ang continuing registration ng mga botante ay tatagal hanggang September 29, 2018.

Ang aplikasyon ay kinakailangang personal na ihain sa mga tanggapan ng election officer sa kani-kanilang mga lugar mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holiday.

Magtatalaga rin ang Comelec ng mga lugar para sa satellite registration sa loob ng nasabing panahon kung saan magiging prayoridad ang pagproseso sa aplikasyon ng mga nakatatanda, buntis at indigenous people.

Samantala, itinakda naman sa Hulyo 15, 2018  ang pagpapatala ng mga political party at kowalisyon ng mga political party habang ang pagsusumite ng petition for registration of coalition of political parties ay itinakda hanggang sa August 31, 2018.

COMMISSION ON ELECTIONS REGISTRATION OF VOTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with