^

Bansa

‘Sweetened products’ lalagyan na rin ng health warning

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Sweetened products� lalagyan  na rin ng health warning
Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na nais ng Pangulo na ipaalam sa mga mamimili hindi lamang ang mga benepisyong makukuha nila sa mga binibiling produkto kundi maging ang posibleng masamang epekto ng sobrang sugar sa katawan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinalalagyan na rin ni Pangulong Duterte ng health warning o babala sa kalusugan ang mga sugar-based juices at beve­rages tulad ng health warning sa mga sigarilyo.

Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na nais ng Pangulo na ipaalam sa mga mamimili hindi lamang ang mga benepisyong makukuha nila sa mga binibiling produkto kundi maging ang posibleng masamang epekto ng sobrang sugar sa katawan.

Ayon kay Lopez, gusto ni Pangulong Duterte na mailagay sa harap ng anumang produktong may asukal ang babala para agad itong makita o mabasa ng mga mamimili.

Sa ilalim ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law ay papatawan ng P6 per liter na excise tax ang mga sugar-sweetened beverages gayundin ang mga carbonated beverages, sports at energy drinks habang P12 per liter naman sa mga drinks na may high-fructose corn syrup habang ang 3-in-1 coffee at gatas ay exempted naman sa excise tax.

Nakapaloob sa TRAIN Law na dahil sa mataas na content ng sugar sa nasabing mga inumin ay nagiging dahilan ito para sa type 2 diabetes batay sa mga pag-aaral.

Sa susunod na isa hanggang dalawang buwan ay kailangang mai­patupad na ang nasabing babala sa mga produktong may asukal, ayon pa kay Lopez.

vuukle comment

HEALTH WARNING

PANGULONG DUTERTE

RAMON LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with