‘Sa Pinas tayo mag-usap’
Digong kay Joma
MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Pangulong Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) na dito na lamang sila mag-usap sa Pilipinas kaysa sa labas ng bansa.
“Bakit ako pupunta sa ibang lugar? Dito tayo mag-uusap. Let’s talk for 60 days. I’m talking to Sison. Why should I talk outside? I guaranteed him safety and security,” pahayag ng Pangulo sa kanyang mensahe sa anibersaryo ng Government Service Insurance System (GSIS) kahapon sa Pasay City.
Hiniling ng Pangulo kay CPP founder Jose Maria Sison na umuwi na lamang ito ng bansa para ituloy ang peace talks sa loob ng 60 araw.
Aniya, sinisiguro rin nito ang kaligtasan ni Joma Sison habang nasa bansa at handa niyang sagutin ang gastusin nito.
“Dito tayo mag-usap sa Pilipinas. I guaranteed your safety and security for the duration of the talks,” dagdag pa ni Digong.
“We have to strive for peace. There is no other way to do it,” wika pa ng Pangulo.
Magugunita na noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na hindi muna matutuloy ang peace talks sa CPP-NPA-NDF dahil nais munang konsultahin ang taumbayan.
- Latest