Ex-CJ Panganiban kinuwestyon  ang 50% threshold sa VP protest
Binigyang diin ni Pa­nganiban na malaking panganib ang hatid ng nasabing desisyon ng PET dahil maraming boto ang mawawala kung itutuloy ang pagpapatupad nito.
Ex-CJ Panganiban kinuwestyon ang 50% threshold sa VP protest
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadagdag ang pangalan ni dating SC Chief Justice Artemio Panganiban sa mahabang listahan ng kumukuwestiyon sa desisyon ng Presidential Electoral Tribunal na gamitin ang 50-percent threshold sa election protest ni Ferdinand Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Binigyang diin ni Pa­nganiban na malaking panganib ang hatid ng nasabing desisyon ng PET dahil maraming boto ang mawawala kung itutuloy ang pagpapatupad nito.

Magugunitang 25 per­cent ang threshold na ginamit ng vote-counting machines noong nakaraaang halalan.

Ngunit sinabi ni Pa­nganiban na hindi mabi­bilang ang mga boto sa pagitan ng 25 hanggang 50 percent threshold sa manu-manong pagbibilang ng balota.

Dahil dito, sinabi ni Pa­nganiban na malaki ang magiging pagbabago ng manual recount sa naita­lang resulta noong nakaraang halalan.

Ipinaliwanag ni Panga­niban na kahit limang porsiyento lang ang mawala sa mga botong nakuha ni VP Leni mula sa pilot provinces na Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental, magkakaroon na si Marcos ng tinatawag na “substantial recovery” para ituloy ang pagbibilang ng 22 iba pang lalawigan na isinama ng natalong kandidato sa protesta.

Ibig sabihin nito, nawalan ng malaking boto si Leni hindi dahil sa pandaraya kundi sa hindi makatwirang panuntunan na inaprubahan ng PET.

ARTEMIO PANGANIBAN PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with