^

Bansa

P8.1-B bgy. health project ng Aquino admin sinisilip

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
P8.1-B bgy. health project  ng Aquino admin sinisilip
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, suportado ng Palasyo ang ginagawa na ngayong pagsisiyasat sa umano’y maanomalyang implementasyon ng P8.1 billion Barangay Health Station Project ng nakaraang pangangasiwa ng DOH.

MANILA, Philippines — Hihintayin ng Malacañang ang report ng Department of Health (DOH) tungkol sa umano’y maanomalyang bilyong pisong proyekto na barangay health station ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, suportado ng Palasyo ang ginagawa na ngayong pagsisiyasat sa umano’y maanomalyang implementasyon ng P8.1 billion Barangay Health Station Project ng nakaraang pangangasiwa ng DOH.

Sabi ni Go, dapat talagang matingnan ang nasabing proyekto lalo’t hindi biro ang pondong pinag-uusapan sa naturang proyekto.

Kanilang hihintayin ang report hinggil dito mula kay Health Sec. Francisco Duque III na napag-alamang nakikipag-ugnayan na sa Commission on Audit (COA).

Binigyang-diin ni Go na dapat masigurong hindi sa­yang ang pera ng taumbayan sa ganitong mga proyekto lalo’t malaking tulong sana ito partikular sa mga humihingi ng tulong medikal.

Aabot sa 5,700 barangay health station ang target ng nasabing proyekto pero hanggang ngayo’y hindi pa rin umano kumpleto ang project at hindi mapakinabangan.

vuukle comment

BARANGAY HEALTH STATION

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with