^

Bansa

Sereno tuluyan nang sinipa sa SC

Pilipino Star Ngayon
Sereno tuluyan nang sinipa sa SC

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinatalsik ng Korte Suprema si Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado ngayong Martes.

Pinagtibay ng mataas na hukuman ang nauna nilang hatol laban kay Sereno, kung saan pinapawalang bisa ang pagkakatalaga sa kaniya noong 2012.

Ibinasura nila ang motion for reconsideration ni Sereno.

Nag-ugat ang lahat sa isinampang quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno.

Ibinaba ang hatol laban kay Sereno noong Mayo 11 kung saan nauwi ang botohan sa 8-6.

Dahil sa pagkakatalsik ay hindi kinilala ng korte na naging punong mahistrado si Sereno.

vuukle comment

QUO WARRANTO PETITION

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with