^

Bansa

OFW nag-bomb joke sa eroplano, arestado

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
OFW nag-bomb joke sa eroplano, arestado
Ayon sa pagsisiyasat ng mga imbestigador ng MIAA Airport Police, isang Alvin Malimban ang agad inimbitahan matapos lumapag ang eroplano sa NAIA Terminal 2.
File Photo

MANILA, Philippines — Isang overseas Filipino worker na sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight galing Saudi Arabia ang inaresto matapos manakot na pasasabugin nito ang eroplano na ikinatakot ng mga pasaherong sakay nito.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga imbestigador ng MIAA Airport Police, isang Alvin Malimban ang agad inimbitahan matapos lumapag ang eroplano sa NAIA Terminal 2.

Inireklamo kasi ng isang Marissa Galvez, chief flight steward at asawa ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, si Malimban dahil sa pangungulit, panggugulo, ‘pagnanakaw’ at pananakot habang ang kanilang eroplano ay nasa ere papuntang NAIA.

Ayon kay Marissa, ilang beses humingi ng ‘red wine’ sa kanya si Malimban na pinagbigyan naman nila pero ng maka-tatlong baso na ito ay hindi na umano nila binigyan dahil nangungulit na.

Sa puntong ito ay mabilis na nagpunta si Malimban sa taguan ng alak at kinuha ito ng walang paalam.

Nakita nila ang ginawa ni Malimban kaya naman pinagsabihan nila ito at binalaan na masama ang kanyang ginawa pero imbes na humingi ng paumanhin ay bigla itong nanakot na pasasabugin niya ang eroplano kaya nagdulot ito ng kaguluhan.

Gayunman, nang lumapag ang eroplano sa paliparan ay kinuha ito ng mga awtoridad para maimbestigahan.

Nang mahimasmasan si Malimban ay humingi ito ng tawad kay Marissa na tinanggihan naman ng huli.

Kasong alarm ang scandal, bomb joke at unjust vexation ang isasampa sa suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PHILIPPINE AIRLINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with