Kris sure win sa Senado – Bam
(Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 11:47am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Bam Aquino na tiyak ang pagkapanalo ng aktres na si Kris Aquino kapag tumakbo siyang senador sa 2019 midterm polls.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng senador sa pagkapanalo ng kaniyang pinsan ay ang pagtindig at pagboses niya laban sa administrasyon.

“Kris, if she decides to run, I think she’d win. Honestly, if she continues her stand against things done by the administration, I think she’d be very welcome in the Senate,” wika ni Bam Aquino sa “The Chiefs” ng One News channel.

“At this point, anyone who is willing to stand up and speak out, that voice is welcome,” dagdag niya.

Sa kabila nito, sinabi ng senador na kailangan pang pag-usapan ito ng kanilang pamilya.

Tiyak ang pagtakbo ni Bam Aquino sa susunod na taon, kung saan isinusulong nila ang paglaban ng genuine opposition.

Ilan sa mga posibleng makasama ni Bam Aquino ay sina Magdalo Rep. Gary Alejano, dating Akbayan Rep. Barry Gutierrez at aktres na si Agot Isidro.

Hindi makabubuo ng kompletong lineup ang Liberal Party kaya naman bukas silang makipagsanib-puwersa sa iba pang grupo upang buuin ang “resistance slate.”

 

2019 MIDTERM ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with