Ayon kay Mayor Sara, ang huling taong kinainisan niya ay si dating Speaker Prospero Nograles na tiniyak niyang hindi siya kayang pabagsakin sa kabila ng paggastos ng bilyong piso.
Edd Gumban
Sara kay Trillanes: ‘Leave me alone’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabihan ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senator Antonio Trillanes IV na tigilan na siya dahil titiyakin nitong magiging mahirap ang kanyang buhay.

Ayon kay Mayor Sara, ang huling taong kinainisan niya ay si dating Speaker Prospero Nograles na tiniyak niyang hindi siya kayang pabagsakin sa kabila ng paggastos ng bilyong piso.

“Leave me alone, Senator Trillanes. The last time a person irked me, I made sure to make it difficult for him to bring me down and Speaker Boy Nograles lost that election and was a billion pesos poorer,” sabi ni Sara sa kanyang Instagram post.

Katulad aniya ni Speaker Pantaleon Alvarez, pinapayuhan niya si Trillanes na huwag siyang isipin o kahit pa banggitin o ibulong ang kanyang pangalan.

“Leave me in peace in Davao City or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 presidential elections just to make me insignificant. Let me repeat, do not bother me and my slot will be available for a yellow Senator for the 2019 elections,” sabi pa ng batang Duterte.

Sinabi rin ni Sara na kung ini-imagine ni Pangulong Duterte na mababaril si Trillanes, titiyakin naman niya na buhay pero ‘in pain’ ang senador.

“I have been described as heartless by my mother, please do not anger me so that you may remain relevant for the future generation. And you should listen to my mother,” sabi pa ni Sara.

Hindi naman nagpatinag si Sen. Antonio Trillanes IV sa naging banta sa kanya ni Sara.

Iginiit ni Trillanes ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili sa puwesto si Pangulong Duterte at kasama umano sa plano ang anak nitong si Mayor Sara.

Sabi ni Trillanes, tiyak na mahaharap sa kaliwa’t kanang kaso si Duterte sa sandaling matapos na ang termino nito kaya gagawa ito ng paraan para makalusot.

Kabilang umano sa mga “options” ng Pangulo ay patakbuhing senador si Sara sa 2019 at pagkatapos ay itutulak itong tumakbong pangulo sa 2022 kung kailan matatapos ang termino ni Duterte.

ANTONIO TRILLANES IV SARA DUTERTE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with