Dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang pasukin ng militanteng grupo na sakay ng 5 jeep at ilang motorsiklo ang mga bakanteng pabahay na walang gate at inangkin ng mga ito.
Michael Varcas
Pabahay para sa mga sundalo, pulis inokupa ng Kadamay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagdulot ng takot sa mga residente ang ginawang paglusob ng tinatayang nasa 500 miyembro ng urban poor group na Kadamay sa 1A housing project para sa mga sundalo at pulis sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, kahapon ng umaga.

Dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang pasukin ng militanteng grupo na sakay ng 5 jeep at ilang motorsiklo ang mga bakanteng pabahay na walang gate at inangkin ng mga ito.

Bago ito, sinubukan din ng grupo na okupahin ang 1B area ngunit hindi sila nagtagumpay.

Matatandaang una ng inokupa ng Kadamay ang pabahay sa Pandi, Bulacan, kung saan hinayaan na lang silang manatili doon ni Pangulong Duterte para maiwasan ang gulo.

Pero binalaan sila ng Pangulo na hindi na ito dapat pang maulit.

Gayunman dahil sa pinakahuling pagsalakay ng Kadamay, nababahala ang ilang residente na lumabas ng bahay at baka ang kanilang tirahan naman ang pasukin ng grupo.

Dakong alas-2:30 ng hapon ay nilisan din ng grupo ang naturang lugar.

HOUSING PROJECT URBAN POOR GROUP
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with