“Suportado natin ang pagbaba sa VAT at mga panukalang magbibigay ginhawa sa mga pamil­yang nalulunod na sa pagtaas ng presyo. Mahalagang aksyunan na natin ito,” pahayag ni Aquino na kabilang sa bumoto kontra sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Michael Varcas
Pagpapababa ng VAT sa 10% sinuportahan
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuportahan ni Sen. Bam Aquino ang pagkilos na ibaba ang value-added tax (VAT) sa 10 porsiyento upang mapagaan ang pasanin ng mataas na presyo ng bilihin sa mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap.

“Suportado natin ang pagbaba sa VAT at mga panukalang magbibigay ginhawa sa mga pamil­yang nalulunod na sa pagtaas ng presyo. Mahalagang aksyunan na natin ito,” pahayag ni Aquino na kabilang sa bumoto kontra sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon pa kay Aquino, habang isinusulong ang pagbaba ng VAT, dapat pa ring bantayan ang pananatili ng exemption sa VAT, lalo na sa mga kooperatiba, senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

“Kailangan nang isalba ang mga Pilipinong nasagasaan ng TRAIN law. Kung ang pagbaba ng VAT uunahin ng Senado, susuportahan natin ito,” sabi ni Aquino.

Isinusulong na sa Senado nina Sen. Panfilo Lacson at Risa Hontiveros ang pagpapababa ng VAT.

Nauna rito, naghain si Aquino ng panukala na layong i-roll back ang excise tax sa langis sa ila­lim ng TRAIN Law kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

Sa hiwalay na reso­lusyon, hiningi rin ni Aquino na imbestigahan ang pagpapatupad ng unconditional cash transfer program, kung sapat pa ba ang halagang ibibigay para matugunan ang pagtaas ng presyo ng bilihin at iba pang serbisyo.

BAM AQUINO LANGIS TRAIN LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with