Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe matapos pangunahan ang panunumpa ng mga bagong barangay officials sa Pampanga kamakalawa, humihingi rin siya ng apology sa mga masasakit na salitang kanyang na­bitawan sa mga Kuwaitis sa gitna ng tension sa sinapit na pang-aabuso ng mga OFW.
KrizJohn Rosales
Digong bibisita sa Kuwait
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

Para magpasalamat

MANILA, Philippines — Plano ni Pangulong Duterte na bumisita sa bansang Kuwait upang magpasalamat dahil sa paglagda nito sa kanyang kasunduan para sa proteksyon ng mga OFW sa gulf state.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe matapos pangunahan ang panunumpa ng mga bagong barangay officials sa Pampanga kamakalawa, humihingi rin siya ng apology sa mga masasakit na salitang kanyang na­bitawan sa mga Kuwaitis sa gitna ng tension sa sinapit na pang-aabuso ng mga OFW.

“So out of gratitude, magpasalamat lang ako doon. After all, they’re also human beings, I found out. But I was a bit harsh, very harsh during the early days at pinalagpas lang nila ‘yung mga mura ko. So I will go there,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na inutos noon ni Duterte ang deployment ban ng OFW sa Kuwait matapos matagpuang patay sa loob ng freezer ang OFW na si Joanna Demafelis.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya babawiin ang deployment ban hanggang hindi nagkakaroon ng proteksyon ang mga Filipino migrant workers sa nasabing gulf state.

Kamakailan ay lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW sa kabila ng naging kontrobersya sa rescue mission sa mga distressed Pinoy.

OFW PANGULONG DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with