Digong pinuri ang Grab driver
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2018 - 12:00am

Nagsasakay ng libre sa mga stranded na pasahero

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Duterte ang mga TNVS dri­vers na tularan ang Grab driver na si Romualdo Albarca na nagsasakay ng libre sa mga pasaherong stranded na nag-viral sa social media.

Pinuri ni Pangulong Duterte si Albarca dahil sa ginawang nitong pagtulong sa mga stranded na pasahero sa halip na isipin na puwedeng magsamantala sa mga ito dahil sa hirap sumakay.

Dinala ni Special Assistant to the President Bong Go si Albarca na pagtulong ang inuna kaysa sa kumita sa panahon na mahirap sumakay ang mga pasahero.

Wika pa ng Pangulo, dapat tularan ng iba pang TNVS drivers si Albarca dahil sa ginawang ‘kabayanihan’ nito. Tubong Biliran si Albarca at isinama nito ang kanyang pamilya sa pagharap kay Pangulong Duterte kamakalawa sa Malacañang matapos siyang imbitahan ni SAP Go.

Bukod sa papuri mula sa Pangulo ay pinagkalooban din ni Go ng cellular phone ang ‘bayaning’ driver at kanyang anak.

GRAB DRIVER PANGULONG DUTERTE TNVS DRI­VERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with