^

Bansa

Ipapakain sila sa isda! - China envoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Ipapakain sila sa isda! - China envoy
Sa ngayon anya ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Chinese government sa insidente para malaman din ang panig ng mga sangkot na coast guard bukod sa bersyon ng mga Pinoy fishermen.
KJ Rosales

Coast guards na nandelihensya sa Pinoy

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na sakaling mapatuna­yang kinukuha ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang mga huling isda ng mga mangingisdang Pinoy ay ipatatapon ang mga ito sa South China Sea at ipapakain sa mga isda.

Sinabi ni Amb. Zhao sa media interview sa Kawit, Cavite matapos ang Independence Day celebration na pinangunahan ni Pangulong Duterte na sadya umanong hindi maiiwasang may bulok na mansanas sa bawat organisasyon at kung siya ang masusunod ay ipapatapon nito sa South China Sea para kainin ng isda ang mapatunayang bulok na Chinese Coast Guard.

“As the saying goes, if the alleged report of Chinese Coast Guards illegal or forcefully taking the catch of Filipino fishermen is true, let me say in English there is a saying, ‘Even in the best regulated families, accidents happen.’ So we always have bad apples but if we have bad apples, you know what I’m going to do, I’m going to throw into the South China Sea and feed the fish,” sabi ni Zhao.

Hindi anya kukunsintihin ng Chinese government ang mga maling gawain na ito ng kanilang coast guard bagkus didisiplinahin at papatawan sila ng nararapat na kaparusahan.

“There will be discipline in accordance with our own regulations. I’m not sure about the details because it will be, the investigation is being conducted by competent agencies and they have their own corresponding regulations,” pahayag ng Chinese envoy.

Sa ngayon anya ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Chinese government sa insidente para malaman din ang panig ng mga sangkot na coast guard bukod sa bersyon ng mga Pinoy fishermen.

Kasabay nito, pinawi rin ni Zhao ang pangamba ng mga Pilipinong ma­ngingisda na baka lumala ang sitwasyon sa Scarborough Shoal kasunod ng insidente.

Aniya, tulad ng napagkasunduan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ay malayang makakapangisda sa Scaborough Shoal ang mga Pinoy fishermen.

Related video:

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

ZHAO JIANHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with