^

Bansa

Dating national security adviser Roilo Golez pumanaw na

Pilipino Star Ngayon
Dating national security adviser Roilo Golez pumanaw na

MANILA, Philippines — Sumakabilang-buhay na si dating national security adviser Roilo Golez ngayong Lunes ng umaga.

Kinumpirma ng kaniyang anak na  si Parañaque Vice Mayor Rico Golez ang pagpanaw ng kaniyang ama.

Bago nito ay nakapag-live pa sa radyo ang nakatatandang Golez kung saan tinalakay niya ang paglapag ng eroplano ng China sa Davao City.

Namatay si Golez sa edad na 71.

Bilang dating Philippine Navy officer, isinusulong ni Golez ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Nanilbihan bilang security adviser si Golez sa ilalim ng administrasyong Arroyo noong 2001 hanggang 2004, bago nito ay naging kinatawan siya ng Parañaque mula 1992 hanggang 2001.

 

NATIONAL SECURITY ADVISER

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with