^

Bansa

2 Pinay nurse todas sa road mishap sa Australia

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2 Pinay nurse todas sa road mishap sa Australia
Sinabi kahapon ng Department of Foreign Affairs na, batay sa ulat ni Philippine Ambassador to Australia Minda Cruz, bukod sa pagkasawi ng dalawang Pilipinang nurse, sugatan ang asawa ng isa sa mga namatay, tatlong anak at isa pang kaanak sa naturang aksidente na hindi muna ibinunyag ang pangalan ng mga ito.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang nurse na Pilipina nang maaksidente ang mga ito sa  Australia nitong Biyernes.

Sinabi kahapon ng Department of Foreign Affairs na, batay sa ulat ni Philippine Ambassador to Australia Minda Cruz, bukod sa pagkasawi ng dalawang Pilipinang nurse, sugatan ang asawa ng isa sa mga namatay, tatlong anak at isa pang kaanak sa naturang aksidente na hindi muna ibinunyag ang pangalan ng mga ito.

Nabatid, na sakay umano ang mga biktima ng isang Dodge Journey nang mabangga ito ng isang Toyota Land Cruiser na minamaneho ng isang 65-anyos na matandang lalaki sa kahabaan ng Wallaroo.

Patungo sana ang mga biktima sa Melbourne para dumalo sa prayer meeting ng El Shaddai, isang religious group, nang maganap ang aksidente.

Hindi muna pinangalanan ng DFA ang mga biktima na sinasabing aktibong miyembro ng Filipino community sa Canberra.

Dinalaw ni Ambassador Cruz sa ospital ang mga sugatang biktima at ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, nakikiisa sila sa pagdarasal para sa mabilisang paggaling ng mga ito.

Sinabi ni Cayetano na nakahandang umayuda ang ahensiya  sa posibleng maitutulong sa pamilya ng mga biktima.

vuukle comment

PHILIPPINE AMBASSADOR TO AUSTRALIA MINDA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with