Duque, Garin, pinadalhan ng subpoena ng DOJ
MANILA, Philippines — Pina-subpoena ng Department of Justice sina Health Secretary Francisco Duque at dating Health Secretary Janette Garin upang sagutin ang kasong isinampa laban sa kanila hinggil sa pagkamatay ng ilang bata na naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Pinadadalo ng panel of DOJ prosecutors sa Hunyo 24 ang mga respondents kasabay ng pagsusumite ng kanilang counter affidavits.
Sa nasabing reklamo, inakusahan ang mga health officials kasama ang drug manufacturer na Sanofi Pasteur at local distributor na Zuellig Pharma ng reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa anti-torture law.
Bukod kina Duque at Garin, kasama ring inireklamo ang mga Health officials na sina Vicente Belizario Jr., Kenneth Hartigan-Go, Gerardo Bayugo, Lyndon Lee Suy, Irma Asuncion, Julius Lecciones, Joyce Ducusin at Rosalind Vianzon.
Iginiit naman ni Duque, na ang mga kasong isinampa laban sa kanya “baseless” at “malicious”.
- Latest