Gastos ng kandidato itinaas
MANILA, Philippines — Naaprubahan na sa ikatlong at pinal na pagbasa ng House of Representatives sa boto 188-0 na walang pagtutol, ang bill para sa pagtaas ng awtorisadong mga gastos sa kampanya ng mga kandidato at partidong pampulitika.
Ang House Bill 7295 na pangunahin iniakda ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr. ay inamyendahan para sa layunin ang Republic Act (RA) No. 7166, kilala bilang “An Act Providing for Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms, authorising appropriations Appropriations, therefor, and for other purposes.’
Sa ilalim ng panukala, ang mga awtorisadong halaga ng isang kandidato na maaaring gastusin para sa election campaign ay ang mga sumusunod: P50.00 para sa Pangulo at P40.00 para sa Bise-Presidente; P30.00 sa mga Senador, District Congressman, Gobernador, Bise-Gobernador, Board Members, Mayor, Vice-mayor at konsehal at para sa mga Partido Party-list, P10.00 para sa bawat voter.
- Latest