^

Bansa

‘VP Leni isusunod na ni Duterte’ – de Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�VP Leni isusunod na ni Duterte� � de Lima
Ayon kay de Lima, sa listahan ng mga “independent at strong women” na nais tanggalin ni Duterte, tanging si Robredo na lamang ang natitira matapos matanggal si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang posisyon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Senator Leila de Lima na isusunod na ni Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa puwesto si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay de Lima, sa listahan ng mga “independent at strong women” na nais tanggalin ni Duterte, tanging si Robredo na lamang ang natitira matapos matanggal si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang posisyon.

Hindi na rin umano kailangang ipatanggal pa si Ombudsman Conchita Carpio-Morales  dahil magreretiro na ito sa Hulyo.

 Ayon pa kay de Lima, ang mga malalakas na babae ay nagpapaalala kay Duterte ng kanyang ina na nagdomina sa kanya.

Naniniwala rin si de Lima na mas gusto ni Duterte ang mga mahihinang babae at banta sa kanyang pagka- lalake ang mga determinadong babae.

Ayon pa kay de Lima, tanging si Robredo na lamang ang tinik na natitira na dapat tanggalin ni Duterte sa pamamagitan ng election protests ni dating Senator Bongbong Marcos.

vuukle comment

VICE PRESIDENT LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with