^

Bansa

Pimentel bumaba sa puwesto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pimentel bumaba sa puwesto
Nagkamay ang bagong pangulo ng Senado na si Vicente Sotto III at ang dating Senate President Aquilino Pimentel III makaraang bumaba sa puwesto ang huli.

Sotto bagong Senate president

MANILA, Philippines — Kusang bumaba kahapon sa puwesto bilang lider ng Senado si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III upang magbigay-daan sa kanyang kapalit na si dating Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Sa isang pulong-balitaan, inihayag ni Pimentel ang pagbaba sa puwesto at isiniwalat ding siya ang magno-nominate kay Sotto bilang bagong Senate President.

Kasunod nito, nanumpa na rin kahapon bilang bagong lider ng Senado si Sotto III matapos bumaba sa puwesto si  Pimentel.

Katulad ng napagkasunduan ng mga senador na kasapi ng mayorya, mismong si Pimentel ang nagnomina kay Sotto para sa bagong posisyon.

Personal na nagtungo sa Senado ang pamilya ni Sotto sa pa­ngunguna ng asawa nitong si Helen Gamboa kasama ang kanilang mga anak.

Dahil nabakante ang dating posisyon ni Sotto, ipinalit dito si Senator Juan Miguel Zubiri na uupong chairman ng Rules Committee at bagong Senate Majority Leader.

Napunta naman kay Pimentel ang komite ni Zubiri na Trade Commerce and Entrepreneurship. 

Sa kanyang talum­pati, sinabi ni Sotto na matapos ang tatlong dekada matapos siyang mahalal bilang Vice Mayor ng Quezon City noong 1998, hindi niya inisip na magiging isa siyang Senate President.

Sa panayam sinabi ni Sotto na magpapaalam muna siya sa kanyang noon time show na Eat Bulaga upang matutukan ang bagong posis­yon.

Nangako rin si Sotto na hindi papayagang mabanatan ang Senado ng hindi patas.

Kasabay ng pagpapasalamat sa kanyang mga kasamahan sa Senado, sinabi ni Pimentel na isang karangalan para sa kanya ang magsilbi sa mataas na kapulungan bilang presidente nito na hi­nawakan ding posisyon ng kanyang amang si dating Senate President Nene Pimentel.

Binati rin ni Pimentel si Sotto at nag-wish pa ito na sana’y pagkalooban ang bagong Senate President ng maayos na kalusugan at nangakong tutulungan ito sa pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa mga mamamayan.

vuukle comment

AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with