^

Bansa

‘Probe pa more sa DoT’- Puyat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Probe pa more sa DoT�- Puyat
Puyat

MANILA, Philippines — Makaraang mabunyag ang umano’y ano­malya sa Buhay Carinderia project ng Department of Tourism, pina­­iimbestigahan na rin ni Secretary Berna Romulo-Puyat ang iba pang mga proyekto kabilang na ang fashion shows at golf tournament at ma­ging ang mga foreign trips ng mga opisyal nito.

Ayon kay Romulo-Pu­yat, posible umanong may hindi tamang paggasta sa proyekto na kailangan na sumailalim sa masusing imbestigasyon. 

Dahil dito, sinabi ni Romulo-Puyat na hihilingin niya ang karagdagang  auditors sa DoT upang malaman kung tama ang paggastos sa mga proyekto ng  DoT.

Inamin ni Romulo-Pu­­yat na naiyak siya sa kanyang nadiskub­reng pera ng DoT at ang mga paggastos dito. 

Aniya, galing siya sa Department of Agriculture na walang pera at maraming proyekto subalit hindi maisakatuparan dahil na rin sa kawalan ng pondo. Aminado si Romulo-Puyat na nagugulat siya sa kanyang nadiskubre na madaling na-audit ang mga perang ginamit samantalang sa DA ay hirap silang i-audit ang mga maliliit na pondo na kanilang ginagamit.

Giit ni Romulo-Puyat na araw-araw ay may nadidiskubre siyang gastos ng Tourism  Promotion Board na umano’y hindi dumaan sa bidding. Wala ring malinaw na paliwanag kung saan ginasta ang mga pondo.

Lumilitaw din na ang mga tseke para sa mga proyekto ng TPB ay pirmado ni dating Tourism Secretary Wanda Teo at TPB  Operation chief Cesar Montano.

“Hindi kayo nasa gob­yerno para mag-around the world”, ani Romulo-Puyat.

Dagdag pa ni  Romulo Puyat na hindi lamang P1 milyon o P2 milyon ang pinag-uusapan dito.Aniya, tumataginting na P320 milyon ang pinag-uusapan dito. Pera ito aniya ng taumbayan.

vuukle comment

SECRETARY BERNA ROMULO-PUYAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with