^

Bansa

‘Pinas humingi ng tulong sa kaalyadong bansa’- Lacson

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Pinas humingi ng tulong sa kaalyadong bansa�- Lacson
Kasunod ito ng napaulat na pagpapadala ng Beijing ng bomber aircraft sa bahagi ng pinag-aagawang mga isla sa naturang parte ng karagatan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na dapat nang humingi ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa upang i-pressure ang China ukol sa “militarisasyon” nito sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng napaulat na pagpapadala ng Beijing ng bomber aircraft sa bahagi ng pinag-aagawang mga isla sa naturang parte ng karagatan.

Ayon kay Lacson, ang nasabing development na raw ang rason para mabahala na ang Pilipinas sa mga aktibidad ng regional super power sa lugar.

Nararapat na rin ani­ya itong gawin upang mapanatili ang “balance of power” sa Asya.

Wika pa ng senador, hindi na rin dapat uma­nong balewalain ng Malacañang ang natu­rang mga hakbang at dapat nang seryosohin ng pamahalaan ang pang­hihimasok ng China sa teritoryo ng bansa.

Magagamit din ani­ya ng bansa ang ruling ng United Nations (UN) Arbitral Tribunal upang patunayan ang pagmamay-ari ng bansa sa mga disputed islands.

vuukle comment

SEN. PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with