^

Bansa

Suspension sa excise tax giit ni Bam

Pilipino Star Ngayon
Suspension sa excise tax giit ni Bam
“Para sa mga driver, operator at pasahero, i-ipreno na ang TRAIN para mapagaan naman ang kanilang sitwasyon,” wika ni Sen. Bam Aquino, na tinutukoy ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Iginiit ng isang senador ang pangangailangan na suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng tax reform program ng pamahalaan sa pagsasabing umaaray na ang transport sector sa mataas na presyo ng langis.

“Para sa mga driver, operator at pasahero, i-ipreno na ang TRAIN para mapagaan naman ang kanilang sitwasyon,” wika ni Sen. Bam Aquino, na tinutukoy ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN.

“Ibalik na ang mekanismo para masuspindi ang excise tax dahil sa inflation upang mabawasan na ang pasanin ng parehong driver, operators at mga commuter,” dagdag ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na bumoto kontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.
Ginawa ni Sen. Bam ang pahayag kasunod ng petisyon ng ilang jeepney operators na humihinging itaas ang pasahe sa jeep ng dalawang piso at posibleng surge pricing tuwing rush hour dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Isinumite ni Sen. Bam ang Senate Bill No. 1798 na layong ihinto ang pagpapatupad ng TRAIN Law kapag lumampas ang inflation rate sa “target range.”

vuukle comment

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with