^

Bansa

‘Gulo kapag ipinilit ang WPS’- Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Gulo kapag ipinilit ang WPS�- Digong
Pero siniguro ni Pangulong Duterte na mayroon siyang ginagawa upang maayos ang maritime disputes na ito sa China nang hindi hahantong sa giyera.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagpipilit natin sa pag-angkin sa West Philippine Sea ay baka manguhulugan lamang ng kaguluhan at giyera na hindi naman natin kaya.

Pero siniguro ni Pangulong Duterte na mayroon siyang ginagawa upang maayos ang maritime disputes na ito sa China nang hindi hahantong sa giyera.

Aniya, nang mag-usap sila ni Chinese President Xi Jinping sa China ay sinabi niyang planong magmina ng langis ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pero ang naging tugon daw ni President Xi sa Pangulo ay “Naging bago tayong magkaibigan at nagsisimula pa lang tayong magkakilala. Huwag nating sirain ang relasyong meron tayo.”

“Alam ninyo kung paano magsalita ang mga Intsik kapag sinabi nila iyan. Alam mo, ‘pag pinilit mo, magkakagulo. Ano ang iaarmas natin sa ating sarili kapag merong giyera? Kaya nang si (Senador Antonio) Trillanes at oposisyon ay nagsabing igiit natin ang isyu, bakit papabayaan ko ang ating mga sundalo at pulis sa labanang hindi natin mapa­panalunan,” dagdag pa ni Duterte.

Nang maupo si Duterte ay mas pinili nitong gumamit ng diplomasya at kinaibigan nito ang China hanggang sa bumuhos ang proyektong pinondohan ng China.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with