Ayon kay Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, kung seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa katiwalian, dapat nitong isulong ang pagpapalakas sa PCGG at huwag suportahan ang pagbuwag dito.
Geremy Pintolo
Adios, Marcos wealth!
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng ilang senador na kasapi ng minorya na hahara­ngin nila ang anumang panukalang batas na nag­lalayong buwagin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ayon kay Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, kung seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa katiwalian, dapat nitong isulong ang pagpapalakas sa PCGG at huwag suportahan ang pagbuwag dito.

“Kung talagang determinado ang gobyerno na labanan ang katiwalian, bakit nais nitong buwagin ang PCGG na siyang naghahabol sa nakaw na yaman ng pamilya Marcos,” ani Aquino.

Nauna rito, pumasa sa House of Representatives ang panukalang batas na naglalayong buwagin ang PCGG.

“Sa halip na buwagin, mas magandang pa­lakasin pa ang PCGG da­hil marami pang pera at marami pang bank accounts ang hindi pa naibabalik sa mga Pilipino,”sabi ni Aquino.

Kinuwestiyon din ni Aquino ang pagkilos na buwagin ang PCGG sa pagsasabing ito’y bahagi ng planong baguhin ang kasaysayan ukol sa nakaw na yaman ng mga Marcos.

Ipinaalala ni Aquino na, sa 30 taon nito, matagumpay na nabawi ng PCGG ang $3.6 bilyon o P170 bilyong piso mula sa tinatayang $10 bilyon na nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Sinabi naman ni Sen. Antonio Trillanes IV na haharangin niya ang panukalang pagbuwag sa PCGG.

“Isa yon sa mga haharangin ko at among other reasons, itong pag-abolish nito,” sabi ni Trillanes.

Maging si Senator Risa Hontiveros ay hindi pabor na buwagin ang PCGG at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Naniniwala si Trillanes na nais lamang ni Solicitor General Jose Calida na magkaroon ng malaking poder kaya nais nitong ilagay sa ilalim ng kanyang tanggapan ang PCGG at OGCC.

SENATOR PAOLO BENIGNO “BAM” AQUINO IV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with