^

Bansa

Desisyon ng SC iginagalang ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Desisyon ng SC iginagalang ng Palasyo
“The Supreme Court is the final arbiter of the law. The High Court has spoken. Let us respect its decision granting the quo warranto petition as the proper remedy and the quo warranto petition ruling against Chief Justice Ma. Lourdes Sereno,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Iginagalang ng Mala­cañang ang naging desis­yon ng Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition na nagpatalsik kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

“The Supreme Court is the final arbiter of the law. The High Court has spoken. Let us respect its decision granting the quo warranto petition as the proper remedy and the quo warranto petition ruling against Chief Justice Ma. Lourdes Sereno,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“The Supreme Court, a co-equal branch of go­vernment, is duty-bound to uphold the Constitution. The court ruling is likewise an assertion of the supremacy of the fundamental law of the land,” dagdag pa ni Roque.

Naniniwala rin ang Malacañang na tama lang ang naging desisyon ng SC na pinaboran ang quo warranto petition laban kay Sereno.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Pane­lo, napatunayan lang sa naging botohan ng mga mahistrado na iligal ang pagkakaluklok ni Sereno bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon pa kay Sec. Panelo, hindi na rin matutuloy ang impeachment proceedings laban kay Sereno dahil napatalsik na siya sa pwesto.

Muli ay nanindigan si Panelo na walang kamay ang ehekutibo sa quo warranto petition at ito aniya ay inisyatibo ni Solicitor General Jose Calida.

Kung maaalala mismong sinabi na rin ng Pangulong Duterte sa Kamara na bilisan na ang pagpapatalsik kay Sereno matapos maasar ang Presidente nang akusahan siya na nasa likod ng impeachment moves.

KORTE SUPREMA

MA. LOURDES SERENO

MALA­CAñANG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with