Noy kinasuhan uli ng VACC sa Dengvaxia
(Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2018 - 1:26pm

MANILA, Philippines – Sinampahang muli ng kaso si dating Pangulong Benigno Aquino III kasama ang ilang dati at ngayong opisyal ng gobyerno kaugnay ng P3.5-billion anti-dengue immunization program.

Naghain si Volunteers Against Crime and Corruption lawyer Ferdinand Topacio sa Office of the Ombudsman ng kasong plunder, malversation of public funds at paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act complaint laban kay Aquino.

Kasama rin sa VACC complaint sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at dating Health Secretary Janette Garin. Gayun din ang walong incumbent at dating DOH officials.

Noong Disyembre 2017, kinasuhan ni dating Technical Education and Skills Development Authority Augusto Syjuco Jr. si Aquino ng mass murder at plunder sa Ombudsman.

Naghain din ang VACC noong Pebrero ng hiwalay na kasong graft, malversation of public funds, causing undue injuries at violations of the procurement law laban kina Aquino, Abad at Garin kabilang ang mga dati at ngayong opisyales ng DOH at mga executives ng pharmaceutical firms na Sanofi Pasteur at Zuellig sa Department of Justice.

Ang VACC rin ang nag-akusa kay Aquino ng “electioneering” sa Commission on Elections sa diumanoy paglustay ng pondo ng gobyerno noong election ban ng 2016.

Ang kontrobersya sa Dengvaxia ay nagdulot ng pagkabahala sa mga magulang noong nakaraang taong matapos sabihin ng Sanofi na ang gamot ay maaring magdulot ng mas mataas na uri ng sakit sa mga batang hindi pa nagkaka-dengue.

Ito ay nagtulak sa Senado at Kongreso para imbestigahan ang nasabing kaso kung saan humarap si Aquino para depensahan ang programa.

DENGVAXIA VACC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with