^

Bansa

3K Okada workers nagpasaklolo kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong kay Pangulong Duterte ang higit 3,000 manggagawa ng Okada Manila dahil sa umano’y “illegal termination” sa kanilang hanay at tuluyang hindi pagbabayad sa kanilang mga suweldo at iba pang benepisyo na aabot sa higit P500 milyon.

Sa isang press conference kahapon sa Quezon City, pinangunahan nina Engr. Ariel Sagad, Delfin Lumberio, Engr. Raymond Guinto, Engr. Rowald Valle at Engr. Carlito Anda, ang paghahayag ng hinaing ng mga manggagawa partikular sa Transasia Construction Development Corp., ang ‘general contractor’ ng Okada.

Nabigyan ng prangkisa ng gobyerno at Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) ang Okada sa nakaraang administrasyong Aquino.

Si Sagad ay isang ‘civil engineer’ na higit isang dekadang nagtrabaho bilang OFW sa Middle East at Europe bago siya kinuha noong 2015 ni Dindo Espeleta, ang may-ari ng Transasia, bilang ‘comptroller’ dahil sa kanyang kaalaman sa badyet at gastusin ng proyekto.

Pawang mga ‘sub-contractor’ naman ang grupo nina Lumberio sa proyekto na kasama sa mga hindi umano binayaran at pinaalis ng Transasia ilang araw bago ang Kapaskuhan noong isang taon.

Ayon pa kay Sagad, higit P6 bilyon ang kinita ng Transasia noon lang 2017 subalit sa halip umanong bayaran ang mga manggagawa sa pagtatayo ng Okada ay agaran silang tinanggal noong Disyembre 2017.

Sa halip din umanong bayaran ang mga obligasyon sa kanila ni Espeleta, samu’t saring mga kaso ang isinampa sa kanila ng Transasia katulad ng ‘qualified theft’ upang mapigilan silang habulin pa ang halagang pinaghirapan nila.

Aniya pa, sa halip na ginhawa sa buhay katulad ng ipinangako sa mga OFW ni Pangulong Duterte sakaling umuwi na sila upang dito magtrabaho, nabaon pa umano sa problema at utang ang mga nagtrabaho sa Okada.

“Ang sabi ng ating mahal na Pang. Duterte, ‘umuwi’ na ang mga OFWs at dito na ulit magtrabaho pero bakit ganito ang nangyari sa amin. ‘Yung iba naming mga kasama napilitan ulit mag-OFW para lang mabayaran ang mga utang,” hinagpis pa ng ilan sa mga dumalo.

Anila pa, higit 200 nang mga dating manggagawa sa Okada ang nagsampa ng kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at aabot pa sa higit 1,000 ang naghahandang maghain ng kanilang mga reklamo.

“Naniniwala kaming tanging si Pang. Duterte ang aming pag-asa na makakuha ng hustisya! Tulungan mo po kami, Pang. Digong!” apela pa ng grupo.    

ILLEGAL TERMINATION

OKADA MANILA

PANGULONG DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with