Pagtanggi ng taxi drivers sa mga  pasahero gagawing criminal offense
Ayon kay committee vice chairman Edgar Mary Sarmiento, isa ito sa kanilang mga ikokonsidera kung talagang dapat bang patawan ng parusang kriminal ang isang Grab driver o taxi driver na tumatanggi at namimili ng isasakay na pasahero.
Andy G. Zapata Jr.
Pagtanggi ng taxi drivers sa mga pasahero gagawing criminal offense
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng House Committee on Transportation na ga­wing criminal offense ang pagpili at pagtanggi sa mga pasahero ng mga driver ng Transportation Network Vehicles (TNVs) tulad ng Grab at mga taxi.

Ayon kay committee vice chairman Edgar Mary Sarmiento, isa ito sa kanilang mga ikokonsidera kung talagang dapat bang patawan ng parusang kriminal ang isang Grab driver o taxi driver na tumatanggi at namimili ng isasakay na pasahero.

Ito ay dahil alam ng kongresista ang mara­ming problemang dumarating sa kanilang komite sa kabila ng ilang paghihigpit sa Grab.

Sa ngayon umano ay nasa unang pagdinig pa lamang sila sa pagrereview ng TNVs.

Bukod dito pinag-aara­lan na rin ng ko­mite ang iba`t ibang model at dynamics ng mga TNVs ng ibang mga bansa para ma-adopt ito sa Pilipinas.

Layunin ng paglikha ng batas sa TNVs na maging compliant ang Grab at ang iba pang ride-hailing firm sa pagbibigay ng maayos na serbisyo at convenience sa mga pa­sahero.

GRAB HOUSE COMMITTEE ON TRANSPORTATION TAXI DRIVER TRANSPORTATION NETWORK VEHICLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with